SPD, naglatag ng full body thermal scanner sa SLEX-Alabang

38

Inilatag ng Southern Police District (SPD) ang isang full body thermal scanner sa Filinvest exit north bound sa Alabang, Muntinlupa City

Ayon sa SPD, layon nito na mamonitor ang body temperature ng bawat motoristang dumadaan sa South super highway patungong Maynila.


Katuwang ng SPD ang Philippine Marines sa pagpapatupad ng 24/7 checkpoint sa SLEX upang mamonitor ang mga motoristang posibleng may sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo at sipon.

Kapag ang isang motorista ay mayroon 37.5 degrees Celsius na body temperature,hindi siya papayagan na makapasok  ng Muntinlupa at Maynila.

pagpahingain muna ito bago ulitin ang pagkuha ng body temperature sa pamamagitan ng thermal scanner

Kapag Hindi nagbago ang body temperature saka nila ito  ihohold at tatawag ng doctor para masuri Kung nagtataglay ang motorista ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments