Speaker Alan Cayetano, tutol sa pagsasapubliko ng 2020 National Budget Deliberation

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging “circus” ang Bicameral Conference Committee sa deliberasyon ng ₱4.1 Trillion 2020 National Budget.

Ayon kay Cayetano, bagamat suportado nila ang anumang panukala para maging transparent ang 2020 national budget ay dapat pa rin itong ipaalam kay sen. Sonny angara na chairman ng senate finance committee at davao rep. Isidro ungab, chairman ng house appropriations committee.

Para kay cayetano, dapat ang Senado ang unang maghain ng formal proposal sa Kamara para maging open sa public ang bicameral bago sila magdesisyon.


Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na dapat makita ng publiko ang Bicameral Meeting dahil mayroon pang ibang amendments ang isinisingit at ini-introduce ng bawat isang Kongresista.

Facebook Comments