Speaker Alvarez, nagbabala kay CJ Sereno na humarap sa pagdinig o magresign na ito

116

Manila, Philippines – Humarap sa pagdinig o magresign, ito ang hamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nahaharap ngayon sa impeachment complaint.

Ayon kay Alvarez, kung wala talagang itinatago si Sereno ay mas makabubuting humarap na ito sa pagdinig sa pagdetermina ng probable cause at merito ng reklamo laban sa kanya.

Ito ay para direktang ma-cross-examine ni Sereno ang mga testigong ihaharap sa Committee on Justice.

Kung hindi haharap sa pagdinig ng reklamo si Sereno ay magbitiw na lamang ito sa posisyon dahil tiyak na sasabog umano ang mga katiwalian nito.

Sa Lunes ay nakatakda ang pagdinig ng Kamara sa impeachment ni Sereno at dito rin dedesisyunan ng komite kung papayagan ang request ng Chief Justice na ang katawanin siya ng kanyang mga abogado sa pagdinig at payagan ang kanyang mga lawyers na magtanong sa mga witness.

Facebook Comments