Speaker Alvarez, pagbubutihin ang trabaho para umangat ang ratings sa susunod na survey

36

Manila, Philippines – Nangako si Speaker Pantaleon Alvarez na higit pang pagbubutihin ang trabaho sa Kamara.

Ang pangakong ito ay kasunod na rin ng pagbaba ng net satisfaction rating ni Alvarez kung saan bumagsak ito sa +8 ngayong Setyembre mula sa +16 noong Hunyo.

Giit ni Alvarez, ginawa naman niya ang lahat ng kanyang `best` para pamunuan ang Mababang Kapulungan.

Kasabay nito nangako naman si Alvarez na gagawin ang lahat para makabawi sa pagbaba ng ratings.

Itinuturo namang dahilan ng mga kritiko ng speaker ang pagbaba ng satisfaction ratings nito ang pagpapatuloy sa mga polisiya ng pamahalaan sa mga ipinapasang panukala at ang mga inihaing impeachment sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments