Speaker Arroyo, inaming gumamit ng medical marijuana

Manila, Philippines – Inamin ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na isa siya sa nagbenepisyo sa paggamit ng medical marijuana.

Ayon kay Arroyo, ito ang kaniyang ipinanggagamot sa sakit niya sa cervical spine.

Aniya, ginagamit niya ito bilang pain reliever sa tuwing sumasakit ang kaniyang cervical spine.


Paglilinaw naman ni Arroyo, sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan legal ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi sa Pilipinas bilang wala pang batas na sumusuporta dito.

Aminado naman si Arroyo na kahit itinutulak niya mismo ang panukala para sa pagsasalegal ng medical marijuana ay marami pa rin ang kumokontra dito.

Sa ngayon, nasa ikalawang pagbasa na ng Kamara ang paggamit ng medical cannabis.

Facebook Comments