Speaker GMA, hinimok ang mga house committee na ituloy ang trabaho kahit naka-recess ang Kongreso

75

Manila, Philippines – Hinimok si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga komite sa Kamara na ituloy ang trabaho kahit na naka-recess ang Kongreso.

Ayon kay Arroyo, dapat magpatuloy ang mga oversight committee hearing kahit na tatlong buwan itong naka-recess para sa 2019 midterm election.

Aniya, inaasahan nila na ilang panukala ang maipapasa sa ikatlong pagbasa para naman matugunan ng Senado sa huling buwan ng 17th Congress.

Sabi pa ni Arroyo, inaasahan rin niyang pangungunahan ang mga pagdinig ng mga kongresista na hindi tumatakbo sa anumang posisyon.

Facebook Comments