Speaker GMA, iginiit na dadaan sa due process ang mga kongresistang kasama sa narco-list

144

Manila, Philippines – Hahayaan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan ng due process ang kanyang mga kapwa mambabatas na napabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Arroyo – isa sa mga kongresista ay humiling pa na magsagawa ng pagdinig hinggil dito.

Pero nilinaw ni Arroyo na ang pagdinig ay hindi “in aid of legislation” pero “in exercise of the oversight” sa dangerous drugs law.

Nabatid na tatlong house members ang kabilang sa 46 na pulitikong tinukoy ng Pangulo na sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments