Inihain sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang dalawang panukalang ordinansa upang biglang pagkilala ang yumaong mambabatas at mga naging kontribusyon nito sa bansa, kasabay ng kanyang kapanganakan sa December 26.
Ayon sa Draft Ordinance No. 0-019-2026, iminungkahi na ideklara ang Disyembre 26 bilang taunang “Speaker Jose de Venecia Day” bilang pagkilala sa kanyang buhay at kontribusyon ng mambabatas.
Samantala, ang Draft Ordinance No. 0-020-2026 ay naglalayong isabatas ang taunang “Speaker Jose de Venecia Leadership and Public Service Commemoration” na may nakatakdang programa at pondo para sa implementasyon.
Ang parehong ordinansa ay kasalukuyang isinasailalim sa deliberasyon ng konseho bago tuluyang maipasa.
Si Dating 5-Time House Speaker Jose de Venecia Jr., ay isinilang sa Dagupan City noong Disyembre 26, 1936 at pumanaw nitong Pebrero sa edad na 89. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






