Speaker Velasco, isa sa mga lumulutang na pangalang papalit kay Sen. Pacquiao bilang PDP-Laban president

683

Lumulutang ang pangalan ngayon ni House Speaker Lord Allan Velasco bilang susunod na pangulo ng Pardito Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kapalit ng kasalukuyang presidente ng partido na si Senator Manny Pacquiao.

Lumalabas sa mga sources na ang mga mambabatas ay inaasahang magpupulong ngayong araw sa pamamagitan ng virtual procedure, ang National Council Assembly sa Cebu City.


Nakatakdang pagbotohan ang isang permanent party president na siyang mamumuno sa PDP-laban bilang paghahanda sa 2022 National Elections.

Pero ayon kay PDP-Laban Vice President for External Affairs Secretary Raul Lambino na hindi bahagi ng agenda ng kanilang meeting ngayong araw ang botohan ng mga officers.

Itinanggi rin ni Lambino na may nilulutong kudeta at isasagawa ito sa Cebu City.

Paglilinaw ni Lambino na pinamumunuan lamang ni Pacquiao ang PDP-Laban pansamantala at hindi siya ang inihalal bilang pangulo ng partido.



Ang pulong ngayong araw ay pangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang vice chairperson ng partido.


Facebook Comments