Special Investigation Task Group-Carlos, binuo para sa imbestigasyon ng karumal-dumal na pagmasaker sa isang pamilya sa Bulacan

157

Bulacan – Nag-alok na ng 100-libong pisong pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan para sa agarang ikadarakip ng mga suspek sa pamamaslang sa limang miyembro ng isang pamilya sa Barangay Sto. Christo kahapon.

Kabilang sa mga nasawi ang lola na si Auring Dizon, ina na si Estrella Carlos at mga anak nito na sina Donnie Carl, 11-anyos; ella, 7-anyos at ang isang taong gulang na si Dexter Carlos Jr.

Ayon kay Bulacan Provincial Office P/Supt. Fitz Macariola – posibleng kakilala ng mga biktima ang suspek dahil wala silang nakitang force entry sa bahay ng mga ito.


Maaari rin aniyang lango sa iligal na droga ang mga suspek.

Samantala, bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang Bulacan-PNP para sa imbestigasyon ng krimen.

Ilang persons of interest na rin ang isinailalim ng mga otoridad sa pagtatanong.



Facebook Comments