Special Investigation Task Group kaugnay ng pagpatay kay RTC Judge Abul, binuo

Manila, Philippines – Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Office 13 para sa mabilis na imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay RTC Judge Godofredo Abul, Jr.

Ang nasabing team ay pinangungunahan nina PSSupt. Ernesto Flores, Deputy Regional Director for Operations at PSSupt. Percival Augustos Placer, City Director ng Butuan City Police Office (BCPO), na magsisiyasat sa lahat ng posibleng anggulo ng pagpaslang kay Judge Abul, na kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Matandaan na umaga noong Sabado, binaril ng apat na mga armadong lalaki si Judge Abul at ang asawa nito sa kanilang bahay sa Alviola Village, Brgy. Tiniwisan, siyudad ng Butuan.


Dead on the spot si Judge Abul habang nasa ligtas na kalagayan ang misis nito na patuloy na ginagamot sa hospital.

Facebook Comments