Special investigation task group para imbestigahan ang Cotabato blast, binuo

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) para mapabilis ang imbestigasyon ng nangyaring pagsabog sa tapat ng isang mall sa Cotabato City.

Nabatid na nangyari ito nitong bisperas ng Bagong Taon kung saan dalawa ang patay at nasa 34 ang sugatan.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – kinokondena nila ang bomb attack.


Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang PNP sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.

Nangako ang PNP na papanagutin ang mga responsible at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Facebook Comments