SPECIAL JOB FAIR | Nasa 300 PWDs, nakibahagi sa job fair ng DOLE ngayong araw

20

Manila, Philippines – Base sa pinakahuling datos ng Department or Labor ang Employment, nasa 394 na mga aplikante ang nakikibahagi sa nagpapatuloy na special job fair ng ahensya ngayong araw sa Quezon City Hall, na inilaan para sa mga Persons with Disabilities.

Sa bilang na ito, 196 dito ay lalaki habang 198 naman ang babae.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang special job fair na ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng International Day for Persons with Disabilities.

Nasa anim na aplikante na ang Hired On the Spot, para sa mga posisyong Cashier, Sales Clerk at Janitor.

Ayon sa DOLE, nasa halos 100 mga private private companies at gov’t agency ang kabalikat nila sa job fair ngayong araw.

Facebook Comments