Special raffle sa petisyon nina FPRRD na harangin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC, isinagawa ng SC

Ipinag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang special raffle para sa petisyong inihain nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald dela Rosa na humihiling na ihinto ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos na rin arestuhin kaninang umaga si dating Pangulong Duterte nang dumating sa bansa mula Hong Kong.

Sa pahayag na inilabas ng tagapagsalita ng Korte Suprema, isang raffle ang isinagawa alinsunod sa Rule 7, Section 7 ng Internal Rules ng SC dahil na rin sa kahalagahan ng kaso at utos ng punong mahistrado.


Inihain sa Korte Suprema ngayong Martes ng hapon ang Petition for Certiorari and Prohibition with Prayer for the Issuance of Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction.

Hinihiling din nila na suspendihin ang lahat ng kooperasyon sa ICC habang gumugulong ang kaso.

Ipinadedeklara rin ng petitioners sa SC na tuluyang pinawalang bisa ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong March 17, 2019 ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa at sa mamamayan nito.

Facebook Comments