Special risk allowance para sa mga nagtatrabaho sa COVID facilities, inaabangan na ng Valenzuela City

56

Naghihintay pa rin ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela ng pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga nagtatrabaho sa COVID-19 facilities ng lungsod.

Kasunod ito ng tanong ng mga empleyado kung kailan nila matatanggap ang kanilang SRA partikular iyong mga nasa isolation facilities.


Paglilinaw dito ni Mayor Rex Gatchalian, hindi sa city hall manggagaling ang pondo para sa SRA kundi sa Department of Health (DOH).

Aniya, naisumite naman na nila ang lahat ng records sa ahensya kaya naghihintay na lang ang lungsod ng ipapadalang pondo.

Pagtiyak nito, agad namang ipo-proseso ng lokal na pamahalaan ang special risk allowance sa oras na matanggap nila ang budget.

Facebook Comments