Special session, hindi kailangan para masimulan ng Senado ang impeachment trial kay VP Sara

Para sa dalawang lider ng Kamara hindi na kailangang magpatawag ng special session si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. o ng atas mula sa Korte Suprema para masimulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, malinaw naman ang deriktibang nakasaad sa Konstitusyon na dapat aksyunan kaagad ng Senado ang impeachment case na ipinadala ng Kamara.

Diin naman ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, hindi bukas sa interpretasyon ang probisyon ng Konstitusyon na nagsasabing kailangang simulan nang walang pagkaantala ang impeachment trial.

Paliwanag ni Bongalon, maaaring mag-convene ang Senado bilang impeachment court kahit naka-recess ang Kongreso kung magkasundo ang mga miyembro nito.

Facebook Comments