Special suit ng motorycle ride hailing app na Angkas, aprubado ng National Task Force Against COVID-19

Inaprubahan na ng National Task Force Against Covid-19 ang “special suit” o “backpack-type” design na ipinanukala ng motorycle ride hailing app na Angkas.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na sya ring chairman ng NTF, aprubado agad ang nasabing barrier na unang inaprubahan ng Bohol Provincial Government.

Pero kahit ok sa NFT ang disenyo ng angkas, muling binigyan diin ni Lorenzana na ang pag-aangkas ay pwede lamang para sa mga mag-asawa, common law couple at live-in partners.


July 10, 2020 noong payagan na ng Inter-Agency Task Force ang pag-angkas sa motorcycle, pero kinakailangan na may barrier sa pagitan ng driver at nakaangkas dito.

Facebook Comments