SPEED LIMIT SA MGA SCHOOL ZONES, IGINIIT SA MGA MOTORISTA

Iginiit ng Land Transportation Office Region 1 ang maagap na pagsunod ng mga motorista na pabagalin ang pagmamaneho kapag nagmamaneho sa mga school zones.
Ang naturang abiso ay bahagi ng kampanya upang matiyak ang kaligtasan ng mga school personnel at mag-aaral sa pagsisimula ng pasukan ngayong Hunyo.
Ayon sa tanggapan, madalas sumikip ang kakalsadahan sa mga paaralan partikular tuwing dismissal dahil sa mga nag-aabang na sasakyang susundo sa mga mag-aaral.
Tinyak din ang ugnayan sa iba pang law enforcement agencies na tututok sa kampanya.
Hinimok naman ng tanggapan ang mga motorist ana pairalin ang disiplina sa pagmamaneho anumang oras.
Kaugnay nito, ilang advocate groups sa bansa ang nagmungkahi na gawing 30 kph ang speed limit sa mga matataong lugar upang mabasawan ang aksidente sa mga kakalsadahan na tinukoy bilang ika-lima sa nangungunang sanhi ng pagkasawi sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments