SPO3 Arthur Lascañas, kinumpirmang nakaalis ng bansa

23

Manila, Philippines – Nakalabas na ng bansa angself-confessed Davao Death Squad (DDS) member na si retired SPO3 ArthurLascañas.
  Sa isang panayam kay Lascañas, sinabi nito na masmakabubuti na umalis muna ng bansa dahil nakatanggap ito ng banta ng paghahainng kaso laban sa kanya.
  Bukod dito, mayroon ding mga taong naghahanap sa kanya.
  Muling iginiit ni Lascañas na wala siyang intensyongkalabanin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil gusto lamang nitong sabihin angbuong katotohanan sa nangyayaring patayan umano sa Davao.
  Malayang nakalabas ng bansa si Lascañas dahil walang naka-isyunghold departure order laban sa kanya at wala rin siya sa immigration watch list.
  Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan babalik ng Pilipinassi Lascañas.
  Matatandaang inakusahan ni Lascañas si Pangulong Dutertena pangunahing nasa likod ng DDS noong alkalde pa ito sa Davao City.
 
   

Facebook Comments