SPO3 Lascañas, hindi dapat pag ukulan ng panahon ng ICC

13

Manila, Philippines – Ikakagulat ni Senator Sherwin Gatchalian kung bibigyan ng pagkakataon ng International Criminal Court o ICC si SPO3 Arthur Lascañas na tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Lascañasay umaming miyembro ng Davao Death Squad o DDS at itinuro si Pangulong Duterte na nasa likod ng mga pagpatay na kanilang isinagawa noon.

Giit ni Gatchalian, kilalang sinungaling si Lascañas dahil kabaliktaran ang nauna nitong testimonya sa kanyang pinakahuling pahayag laban kay President Duterte.

Para kay Gatchalian, walang ng kredibilidad si Lascañas na ikinumpara pa niya sa isang damaged material o sirang bagay.

Facebook Comments