Spokesman Harry Roque, hindi magpapatinag sa mga basher

88

Dedma lamang si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga natatanggap nitong batikos online.

Sa halip na magalit, sinabi ni Roque na nagagalak siya sa mga bash na natatanggap niya sa social media dahil mas nagiging sikat siya.


Mas hinikayat pa ni Roque ang mga haters na ituloy ang pambabatikos sa kanya.

Dagdag pa ni Roque, hindi siya nagbabasa ng negatibong komento tungkol sa kanya pero alam niyang nagpapalakas ito sa kanyang online presence.

Iginiit ni Roque na nagpapakatotoo lamang siya sa kanyang mga pahayag at nasa mga tao na kung tatanggapin siya o hindi.

Mula nang bumalik si Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo noong Abril ng nakaraang taon, isa na siya sa mga pinag-uusapan online mula sa mga kontrobersyal na pahayag, negatibong komento hanggang sa mga nakakatawang memes.




Facebook Comments