Spokesperson Harry Roque, nasaktan nang kwestyunin ang pagkaka-admit niya sa PGH

330

Itinuturing ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na “unchristian” ang tanong kung bakit siya naka-confine ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) sa kabila nang napakaraming mga waitlisted sa ospital bago sila ma-admit dahil sa COVID-19.

Ayon kay Roque, una na siyang nag-home quarantine at nagpa-admit sa isolation facility.


Pero bumaba aniya ang kanyang oxygen level sa 90 kaya’t kinakailangan na siyang ma-admit sa ospital.

Giit pa ng kalihim, sa kasalukuyang administrasyon, ang lahat ng nangangailangan ng serbisyong medikal ay agad namang natutugunan.

Nitong weekend, inanunsyo ni Roque na siya ay muling nagpositibo sa COVID-19.

Una na nitong sinabi na kabilang siya sa may mga comorbidity dahil mayroon itong diabetes at hypertension.



Facebook Comments