SPORTS | Tristan Thompson, magmumulta; Aces, babawi sa Hotshots

58

Pinatawan ng multa ng NBA si Cleveland Cavaliers star Tristan Thompson matapos itong pumatol sa isang audience sa laro nila kontra Brooklyn Nets.

Aabot sa $15,000.00 (P790,800.00) ang babayaran ni Thompson makaraang mag-dirty-finger’ sa fans ng Nets nang ito ay kantiyawan matapos nilang manalo sa laro sa score na 99-97.

Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, hindi nararapat ang ginawa ni Thompson lalo na at hinahangaan ito ng mga kabataan bukod pa sa pagiging professional player.

Samantala, susubukan naman ng Alaska Aces na bumawi sa Magnolia Hotshots sa game-2 ng kanilang best-of-seven finals series sa PBA Governor’s Cup na mapapanood mamayang alas-7:00 ng gabi sa The Big Dome.

Facebook Comments