Spurs at Rockets, tabla na sa NBA Western Conference seminals series

34

NBA – Naitabla na ng Houston Rockets sa 2-2 ang serye nito kontra San Antonio Spurs sa NBA Western Conference Seminals.

Ito’y matapos selyuhan ng Rockets ang game 4 sa score na 125-104 sa pangunguna ni James Harden.

Malaking tulong din ang naiambag na 22 points ni Eric Gordon kung saan anim na three-point shots ang naibuslo nito.

Aminado naman si Spurs point guard Patty Mills na nahirapan sila sa game 4 at tiniyak na magsasagawa ng adjustment para makabawi sa sunod na laban.

DZXL558

Facebook Comments