Spurs Guard Manu Ginobili – posibleng magretiro na sa NBA

66

NBA – Matapos ang 15 taong paglalaro, posibleng magretiro na si San Antonio Spurs Guard Manu Ginobili sa NBA.

Sa game 4 ng Spurs kontra Golden State Warriors kanina, kapansin-pansin ang paglalagay ni Spurs coach Gregg Popovich kay Ginobili sa starting line-up ng laro na umano’y first time niyang ginawa mula noong 2013.


Paliwanag ni Popovich, ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ipakita sa harap ng fans nito ang respeto at pagkilala sa naiambag ni Ginobili sa kanyang team.

Samantala, ayon kay Ginobili – hindi pa siya nakakapag-desisyon kung babalik pa siya o tuluyan nang magreretiro sa NBA.

DZXL558

Facebook Comments