Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa, lumipad papuntang Singapore matapos bumitaw bilang presidente

99

Dumating na sa Singapore si Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa matapos umalis sa bansa kasunod ng malawakang protesta doon dahil sa nararansang economic crisis.

Kasama nito ang asawa nitong si Ioma at dalawang bodyguards mula sa Maldives na una nilang pinuntahan kamakailan upang tumakas.

Ayon sa Foreign Ministry ng Singapore, pinayagan nilang makapasok si Rajapaksa sa city-state ngunit iginiit na ito ay para sa isa umanong “private visit”.


Inabangan naman siya ng ilang Sri Lankan upang ipakita ang kanilang galit dito dahil sa idinulot nitong krisis sa Sri Lanka.

Samantala, nagsumite na ng letter of resignation si Rajapaksa kay Parliament Speaker Mahinda Abeywardena matapos dumating sa Singapore ngunit hindi malinaw kung natanggap ito sa pamamagitan ng email o print.

Facebook Comments