SRP ng agri products, ire-review muli ng DA

64

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) na i-adjust ang suggested retail prices sa agricultural goods.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, ipinag-utos na ni Secretary William Dar ang pag-review sa SRP.


Ang pagtaas ng presyo ng agri products ay dahil sa mga nagdaang bagyo at ng African Swine Fever (ASF).

Ang Bantay Presyo Task Force ang inatasan ng DA para tutukan at tiyaking matatag ang presyo at supply ng agricultural commodities.

Facebook Comments