SSS, nakapagpalabas ng P96 billion na halaga ng benepisyo sa higit 3 milyong miyembro at pensyonado nito

161

Umabot na sa ₱95.71 billion ang nailabas ng Social Security System (SSS) para sa benepisyo at pensyon sa higit tatlong milyong miyembro nito sa unang anim na buwan.

Kabilang na rito ang paglago sa retirement benefits, payouts para sa death claims, disability at funeral benefits at sickness benefits.


Ayon kay SSS President, CEO Aurora Ignacio – ang pag-angat ng benepisyo at claims ay resulta ng pagpapatupad ng Social Security Act of 2018 at Expanded Maternity Leave Law.

Facebook Comments

From Advertisers