SSS – nilinaw na hindi galing sa government subsidy ang pondong inilaan para sa dagdag pension, kundi sa investment income at members contribution

47

Manila, Philippines – Nilinaw ni Social Security System President At Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na hindi galing sa government subsidy kundi sa investment income at members contribution ang pondong inilaan para sa dagdag na pensyon ng retired members ng ahensya.

Sa kabuuan ay umaabot sa P6.2 billion ang inilaan ng SSS para sa dagdag na P1,000 para sa mga pensioners.

Nilinaw ni Dooc na ang unang napa-ulat na P196.86 million ay hindi napunta para sa mga pensioners ng SSS kundi ito ay share ng national government para sa Educational Loan Assistance Program (ELAP) na sinumulan noon pang 2012.

Ayon pa kay Dooc, dapat malinawan ang isyu dahil ang ginamit na dagdag na pondo para sa pensyon ay galing sa mismong saving ng ahensiya at hindi sa pamahalaan.

Paliwanag pa ni Dooc, base sa educational Assistance Fund Program (EAFP) ng pamahalaan na sinimulan noong 2012, ang SSS ay pinapayagang maglaan ng educational loan assistance sa mga miyembro nito ng hanggang sa P7 billion.

Sakop ng tinatawag na loan beneficiaries ang mga miyembro ng SSS, kanilang mga legal na asawa at mga anak samantalang para sa mga miyembro na wala pang asawa ay sakop naman ang kanilang mga kapatid pati ang mga half-sisters o half-brothers bilang mga beneficiaries.

Nation”

Facebook Comments