SSS Rationalization Act, magreresulta lamang ng dagdag ng financial problem sa mga manggagawa

59

Manila, Philippines – Kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang paglagda sa SSS Rationalization Act.

Ayon kay KMU Chairperson Elmer Labog – magdadala lamang ito ng dagdag na pasakit sa bulsa ng mga manggagawa.

Paliwanag pa ni Labog – mababawasan lamang ang take-home pay ng mga manggagawa lalo at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa inflation.

Sa halip na itaas ang premium, iminungkahi ng KMU na pagbutihin ng SSS ang koleksyon nito.

Facebook Comments