St. Lukes Medical Center, hindi na tatanggap ng pasyenteng may COVID-19

58

Inanunsyo ng St. Lukes Medical Center na umabot na sa full capacity ang kanilang Intensive Care Unit (ICU) na nakalaan para sa pasyente ng COVID-19.

Sa statement ng kanilang Corporate Communications Division, pinayuhan nito ang publiko na dalhin na sa ibang pagamutan ang mga pasyente nila na nagpapakita ng sintomas COVID-19.


Magpapalabas na lang ng detalye ang St. Lukes Medical Center kung kailan ulit sila magbubukas ng pasilidad para sa COVID-19 patients.

Nananatili namang bukas ang St. Lukes Medical Center sa Quezon City at Taguig para tumanggap ng pasyenteng walang kinalaman sa COVID-19.

Facebook Comments