St. Luke’s Medical Center, naglabas na ng pahayag sa umano’y pekeng drug test result ni Presidential aspirant Bongbong Marcos

2925

Pinabulaanan ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center na peke ang ipinakitang drug test result ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng St. Luke’s na standard ang format ng printed test result na kanilang ginagamit at nagmula ito sa Department of Health.

Kasunod nito, nanawagan ang pamunuan ng ospital sa publiko na huwag nang magpost sa social media ng mga “misleading” na impormasyon.


Matatandaang nitong Lunes ay sumalang sa drug test si Marcos ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez kung saan nagnegatibo ang resulta nito.

Facebook Comments