Sta. Ana Hospital sa Maynila, sinimulan nang gamitin ang Molnupiravir para sa COVID-19 patients

45

Matapos ang turnover ng Faberco Life Sciences Inc. ng unang batch ng Molnupiravir (Molnarz™) sa seremonya na ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta sa Maynila, sinimulan na itong gamitin sa mga pasyenteng may COVID-19 sa Sta. Ana Hospital.

Ang naturang gamot ay unang nai-turnover kina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong, bilang kauna-unahang Local Government Unit (LGU) na bumili ng Molnupiravir sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc.

Ang Sta. Ana Hospital sa pamamagitan ng compassionate special permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang recipient/receiving hospital para sa naturang batch ng allotment para sa Manila LGU.


Ang Molnupiravir ang kauna-unahang oral antiviral drug na kayang pigilan para hindi lumala ang mild to moderate cases ng COVID-19 at maging malubhang sakit na nangangailangan ng pagpapa-ospital.

Iniinom ito bilang pildoras at hindi tinuturok.

Bagama’t hindi pa ibebenta sa merkado, ipinamamahagi na ng Faberco Life Sciences, Inc., kasama ang RiteMED, ang Molnupiravir (Molnarz™) sa mga ospital, medical institutions, at treatment sites sa ilalim ng compassionate use kung saan pinapayagan ang mga institusyon na bumili at i-distribute ang produkto na pinag-aaralan pa, o naghihintay na lamang ng approval para sa agarang paggamit sa emergency situations.



Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS) ay isang Philippine biopharmaceutical organization na nakatutok sa pagbibigay ng makabago, highly niche pharmaceutical products sa public at private health sectors.

Ka-partner ng Faberco ang mga respetadong international manufacturers na ang target ay product platforms at therapeutic categories upang malunasan at maiwasan ang mga sakit na public health concern.


Facebook Comments