STABBING INCIDENT | Dalawang persons of interest sa pagpatay sa Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman, hawak na ng pulisya

Manila, Philippines – Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang person of interest sa pagpatay sa Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Tanyag.

Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, pagnanakaw ang isa sa tinitignan nilang angulo sa krimen dahil nawala ang cellphone at wallet ng biktima na limang buwang buntis.

Pero kinokonsidera pa rin aniya nila ang angulo work related dahil maraming hawak na kasong katiwalian sa gobyerno si Tanyag.


Matatandaang tatlong saksak ang tinamo ng biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pamilya ng biktima at humingi na rin ito ng tulong sa PNP para agad na maresolba ang kaso.

Facebook Comments