Staff ni Gabriela Rep. Arlene Brosas, positibo na rin sa COVID-19; kaso ng COVID-19 sa Kamara, 76 na

42

Nagpositibo na rin sa COVID-19 ang staff ni Gabriela Rep. Arlene Brosas.


Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales kung saan kahapon din ay kinumpirma ng lady solon na positibo siya sa COVID-19 pero asymptomatic.

Ang nasabing staff ng Kongresista ay huling nagtungo sa Batasang Pambansa Complex noong September 1, pero wala naman itong ‘significant contact’ sa mga kawani ng Kamara.

Ito na ang ika-76 na bilang ng mga taga -Mababang Kapulungan na nagpositibo sa sakit, habang 15 dito ang aktibong kaso.

Facebook Comments