Stage 2 clinical trials ng Lagundi, malapit nang matapos – DOST

47

Naghahanda na ang Department of Science and Technology (DOST) sa pagtatapos ng Stage 2 clinical trials sa paggamit ng Lagundi bilang therapeutic o supplement laban sa COVID-19.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, mas mabilis matatapos ang clinical trial ng herbal medicine dahil sa mas maraming trial centers na gumagawa nito.


Nasa higit 150 COVID-19 patients ang naka-enroll sa Stage 2 clinical trials ng Lagundi.

Nabatid na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials ng lagundi bilang supplement treatment laban sa COVID-19.

Facebook Comments