Stand-Up-Comedian na si Kim Idol, kritikal matapos mawalan ng malay

750

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang Stand-Up-Comedian na si Kim Idol o si Michael Argente sa tunay na buhay.

Natagpuan ang 41-anyos na si Kim na walang malay sa Philippine Arena, kaninang madaling-araw (July 9) kung saan agad din siyang isinugod sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City.

Ayon sa kanyang ina na si Maria Argente, nagkaroon ng Brain Arteriovenous Malformation (AVM) si Kim bunsod ng nabuhol na blood vessels na nakakonekta sa arteries at veins ng kaniyang utak.

Nagsisilbi si Kim bilang Marshal ng Bureau of Quarantine sa Philippine Arena na ginawang COVID-19 facility para sa mga kababayan nating nagpositibo sa Coronavirus.

Bukod sa pagiging Marshal, pinapasaya rin ni kim ang mga COVID-19 patients kung saan ginagamit niya ang kanyang talento sa pag-awit at pagpapatawa.

Facebook Comments