STANDARD | Pangulong Duterte, binanggit ang kanyang mga pamantayan para sa pagpili ng susunod na Ombudsman

107

Manila, Philippines – Hindi politiko at hindi babae.

Ito ang sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte nang matanong kung sino ang nais niyang maging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magreretiro na sa July 26.

Ayon sa Pangulo, marami siyang kokonsultahin para sa magiging susunod na Ombudsman pero hindi niya lalapitan si Morales.

Isa sa mga lumutang na pangalan na posibleng pumalit kay Morales ay si Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Pero tinanggihan na ni De Castro ang posisyon dahil mas nais aniya niyang magserbisyo sa korte hanggang sa magretiro siya sa Oktubre.

Facebook Comments