Star Hotshots rookie Jio Jalalon, tinanghal na MVP sa katatapos lang na 2015 SEABA championship

66

SEABA – Aminado si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na pumili ng Most Valuable Player o MVP ng kakatapos na 2017 SEABA championship.

Ayon kay Coach Reyes – lahat naman daw ng players ay nag-stepped up sa bawat laban ng Gilas.

Pero napabilib daw si siya sa development at laro ng Gilas cadet at Star Hotshot Rookie na si Jio Jalalon.

Si Jalalon ang nagsisilbing back-up sa dalawang magagaling na guards sa bansa na si Jayson Castro at Terrence Romeo.

Nagpasalamat naman si Star Hotshot rookie ang papuri ni coach Chot ay masaya daw siya dahil na-appreciate nito ang kanyang effort sa loob ng court.

Na-inspire din daw si Jalalon na mas lalo pang-galingan ang kanyang paglalaro at sinabing paghahandaan daw niya ang kanyang pagbabalik sa practice.

Sa ngayon ay babalik daw muna sa PBA si Jio Jalalon sa kanyang team na Star Hotshots.
DZXL558

Facebook Comments