State of clamity sa Eastern Visayas Region, idineklara ni PBBM dahil sa epekto ng San Juanico Bridge Rehabilitation

Isinailalim na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state of calamity ang Eastern Visayas region dahil sa epekto ng San Juanico Bridge rehabilitation sa rehiyon batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa Proclamation No. 920, tatagal ang deklarasyon ng isang taon na layong pabilisin ang pagsasaayos ng tulay at mabawasan ang epekto nito sa mga residente ng Samar at Leyte.

Sa ilalim din nito, inatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na bilisan ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng tulay.

Inatasan din ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa DPWH sa pagtukoy ng sapat at akmang pondong magagamit para sa nasabing proyekto.

Habang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tutugon para matiyak ang kaligtasan ng publiko at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Samantala, ngayong araw ay magtutungo sa Samar at Leyte ang pangulo para personal na makita ang kalagayan ng San Juanico Bridge at ang sitwasyon sa lugar.

Facebook Comments