State of emergency, idineklara sa siyudad ng Lod sa Israel dahil sa nagpapatuloy na tensiyon

706

Nagdeklara na si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ng state of emergency sa siyudad ng Lod dahil sa nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan nila ng Palestine.

Ayon kay Netanyahu, ito ay matapos na magbanta ang Arab community ng pagkakaroon ng malakihang riots na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang seguridad.


Matatandaang ngayong linggo lamang ay nagpalitan ng airstrikes ang Palestine at ang Israel na ikinasira ng isang tower block sa Gaza.

Nauwi rin sa pagkasawi ng 30 indibidwal ang mga airstrikes habang una nang nagbabala si Netanyahu na simula pa lamang ito kung magpapatuloy ang banta sa seguridad ng kanilang bansa.

Facebook Comments