Statement of withdrawal sa pagtakbo sa senador, pormal ng inihain ng kampo ni Doc Willie Ong

Pormal nang naghain ng kaniyang statement of withdrawal si Doc Willie Ong para tumakbo sa pagkasenador sa 2025 Midterm Elections.

Mismong si Doc Liza Ong, misis ni Doc Willie Ong ang nagtungo sa Law Department ng Commission on Elections (Comelec) para magsumite nito.

Matatandaan na February 13 nang inanunsyo ni Ong sa kaniyag social media account na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang senador para mas bigyang prayoridad ang kaniyang kalusugan.

Sinabi ni Doc Liz, matagal itong pinag-isipan ng kaniyang asawa kung saan hindi itinuloy ng kaniyang mister ang pagtakbo dahil nagpapatuloy ang pagpapagamot nito sa ibang bansa

Sa ngayon ay bumubuti na ang kalagayan ni Doc Willie at natapos na rin ang chemotherapy nito.

Nagpasalamat naman ang mag-asawa sa mga supporter na nagdasal para kaligtasa ni Doc Willie.

Una nang sinabi ng Comelec na kung hindi makakapunta nang personal ang isang kandidato upang umatras sa kaniyang kandidatura, papayagan ang miyembro ng kaniyang pamilya o abogado na maghain ng withdrawal, basta may kalakip na sertipikasyon o authorization.

Facebook Comments