Station Commander at Jail Officer ng Antipolo PCP-2, sinibak sa pwesto matapos makatakas ang pitong preso

Sinibak na serbisyo ang Station Commander ng Police Community Precint 2 ng Antipolo City PNP sa may Marcos Highway kasama na ang duty jail officer nito matapos makatakas ang pitong preso noong alas-3:30 ng madaling araw ng hunyo a-dos nang lagariin ang mga bakal ng kanilang selda.

 

Kinilala ang mga nakatakas na sina Dominic Gabanez na may kasong karnaping, Adrian Demetrio, Angelo Roberto na may kasong paglabag sa iligal drugs, Russel Martinez, Murphy Sison at Benedict Belmonte na nahaharapa sa kasong robbery.

 

Nadakip naman sa ikinasang follow-up operation ang presong si Edward Magalo sa tulong na dinng mga kaanak nito


 

Dahil dito, iniimbestigahan na ng Rizal PNP ang sinibak na si Police Lt. Amador Razo PCP-2 Commander at duty jail guard na si Patrolman Christian Lagac kung tulog sila nang mangyari ang insidente lalo na’t alas-onse ng umaga nila ito inireport sa headquarters ng Antipolo PNP.

 

Nagsasagawa naman na ng manhunt operation para muling maaresto ang anim na iba pamg nakatakas at maibalik sa kulungan.

Facebook Comments