STATION OF THE CROSS, TAMPOK SA ISANG MALL SA DAGUPAN CITY

Likas na sa ating mga mananampalataya ang mag Visita Iglesia tuwing Semana Santa na karamihan ay dinarayo ang mga Station of the Cross sa iba’t ibang pilgrimage site.

 

Subalit hindi lahat ay may kakayahan na bumyahe ng malayo para marating ang mga lugar na ito, kaya naman ang The Feast Dagupan Community ay naisip na magsagawa ng religious gathering sa isang Mall sa Dagupan City.

 

Tuwing araw ng biyernes sa oras ng 5:00 ng hapon, nagkakaroon ng misa sa Dagupan City Mall na bahagi ng programa ng samahan.

 

Sa naturang mall din nakalagay ang mga ministation of the cross na maaring bisitahin ng mga nais magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa Panginoon ngayong Holy Week.

 

Maliban naman sa misa at station of the cross, maaari rin mag kumpisal o kaya ang mga nais magbahagi ng kanilang mga karanasan o repleksyon ng gabay ng panginoon sa kanilang buhay.

 

Magkakaiba man ng lugar o ng paraan ng pagninilay-nilay, iisa lamang ang hangarin: Ang mas mapalapit sa Panginoon at kilalanin ang kanyang dakilang nagawa para sa sanlibutan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments