
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa Status of Visiting Forces Agreement o SOVFA sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand.
Inaasahang bibigyang daan ng kasunduan ang pagkakaroon ng legal framework para sa military cooperation, pagsasagawa ng military exercise, at iba pang collaborative activities ng dalawang bansa.
Kasunod nito ay kailangang magkaroon din ng ratipikasyon ang Senado alinsunod na rin sa itinatakda ng Konstitusyon ng bansa.
Pinangunahan ni New Zealand Minister of Defense Judith Collins at ng kanyang counterpart na si Defense Secretary Gilbert Teodoro ng Piipinas ang pagpirma sa SOVFA.
Ang New Zealand ay nakikitang may matibay na ugnayan sa mga kaalyado ng Pilipinas at mahalagang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific Region.