Step 2 online registration ng National ID, binuksan na sa 212 siyudad at munisipalidad – PSA

230

Binuksan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang online appointment booking para sa Philippine Identifications System (PhilSys) Step 2 registration sa 212 siyudad at munisipalidad sa bansa.

Ayon sa PSA, aabot na sa kabuoang 226 siyudad at munisipalidad ang mayroong online appointment booking para sa Step 2 Registration.


Ang mga residente ay maaari nang magtakda ng kanilang appointment schedules para sa Step 2 Registration online sa pamamagitan ng register.philsys.gov.ph.

Sa mga nakakumpleto ng Step 1 registration sa pamamagitan ng house-to-house demographic data collection, hindi na kailangang magparehistro online at mag-book ng appointment.

Ang PSA o local government units (LGUs) na ang magbibigay sa kanila ng update para sa schedule ng kanilang Step 2 Registration.

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Philippine ID (Phil ID) ay maaaring magtungo sa official PhilSys website: psa.gov.ph/philsys o Facebook page: facebook.com/PSAPhilSysOfficial.



Facebook Comments