Step 2 online registration ng National ID, ilulunsad ngayong araw sa 14 na lugar sa bansa

353

Aarangkada ngayong araw ang online appointment booking para sa Step 2 registration process ng Philippine Identification System (PhilSys) sa 14 na siyudad at munisipalidad.

Sa abiso ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Step 2 online registration process ay isasagawa sa sumusunod na lugar:


1. Candon City, Ilocos Sur
2. Vigan City, Ilocos Sur
3. San Fernando City, La Union
4. Lingayen, Pangasinan
5. Echague, Isabela
6. Science City of Muñoz, Nueva Ecija
7. Naga City, Camarines Sur
8. Masbate City, Masbate
9. San Jose, Antique
10. Roxas City, Capiz
11. Jagna, Bohol
12. Bantayan, Cebu
13. Dumaguete City, Negros Oriental
14. Baybay City, Leyte

Ayon sa PSA, maaaring mag-book ng appointment para sa Step 2 registration sa pamamagitan ng pag-log-in gamit ang email address o mobile number na ginamit noong Step 1 registration.

Mag-a-anunsyo pa ang PSA sa mga susunod na linggo ng mga lugar na bubuksan ang online appointment booking.

Muling paalala ng PSA na ang buong registration process, ang pagkuha ng PhilID ay libre at walang delivery fee.



Facebook Comments