Steve Kerr – hindi pa rin makakapag coach para sa Warriors sa NBA finals

103

Manila, Philippines – Hindi pa rin makakapag-Coach para sa Golden State Warriors si Steve Kerr sa game 1 ng NBA finals kontra Cleveland Cavaliers.

Ayon kay Kerr, ramdam pa rin niya ang kumplikasyon ng kanyang back surgery kabilang ang matinding sakit ng ulo, pagkahilo at pananakit ng leeg.


Kaugnay nito, si Assistant Coach Mike Brown pa rin ang mangunguna sa Warriors.

Gayunman, tiniyak ni Kerr na lilipad pa rin siya patungong Cleveland para suportahan ang kanilang koponan sa game 3 at 4.

Sa Biyernes, June 2 na magsisimula ang game 1 ng kanilang best-of-seven-series.
DZXL558

Facebook Comments