‘Stop and go’ scheme ipatutupad sa homecoming parade ni Catriona Gray

Kasunod ng nakatakdang homecoming parade para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Huwebes, February 21.

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ‘stop and go’ scheme sa ilang kalsadang daraanan ng parade.

Nabatid na ang kick off parade ay mag-uumpisa sa Sofitel Philippine Plaza ganap na alas dos ng hapon at dadaan sa ilang kalsadang sakop ng Pasay, Manila at Makati.


Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang sumusunod:
– J.W. Diokno Boulevard
– Atang Dela Rama
– Vicente Sotto Street
– Roxas Boulevard
– T. M. Kalaw
– Taft Avenu
– Buendia
– Ayala Avenue

Kasunod nito 200 traffic enforcers ang ipakakalat ng MMDA sa daraanan ng parade.

Babatakin din ang mga illegally parked na sasakyan at tatanggalin ang lahat ng obstruction bago ang homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Huwebes.

Facebook Comments