Storage Van ng isang Kumpanya, Nasunog

10

Cauayan City, Isabela-Umabot sa unang alarma ang nangyaring sunog sa isang storage van pasado 10:49 kagabi sa Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang nasabing imbakan ay pag-aari ng Grupo Marilen, Inc.


Ayon sa paunang imbestigasyon ng BFP Bayombong, maswerteng walang naitalang malaking pinsala sa sunog at sakto rin na walang tao na nadamay sa naganap na insidente.

Inaalam pa sa ngayon ang posibleng dahilan ng sunog habang naitala ang inisyal na pinsala na umabot sa P300,000.

Paalala ng BFP sa publiko na tiyakin ang mga posibleng maging dahilan ng sunog upang maiwasan ito lalo pa’t nakakaranas ng maalinsangang panahon.

Facebook Comments